Wednesday, October 10, 2012

My Élan Vital

8:45pm

On the phone with my mother...

ME: (crying)
MAMA: (crying) Wag ka na umiyak, mahal (what my parents call me). Mahal na mahal ka namin ng papa mo. Lagi mong tandaan yan.
ME: Mahal na mahal ko din kayo ni papa. Sorry.
MAMA: Tama na, wag mo na isipin yan.
ME: (crying)

I may not have the most patient mom. I may not have the most perfect mom. But I know, I know I have the most loving mom in the world!

Mama, thank you for always giving me strength.

Lord, thank you for giving me my mother. I loved him since the day I was born, and I'll love her all the days of my life.
--------------------
Nagtataka siguro kayo kung bakit kami nag-iiyakan ni mama. Nung nagpost ako sa twitter at tumblr (yung mga naka-italized, sa tumblr ko pinost. yung mga naka-bold at italized, sa twitter ko pinost.) may mga nagtext, nag-DM, at nagchat sa akin agad. Ano daw problema ko, bakit daw ganon post ko, may mga iba naman na inunahan ako at sinabing "Heartbroken ka?". Wala akong sinagot ni isa. Kapag ba umiiyak, lovelife agad? Heartbroken agad? Hindi ba pwedeng naghiwa lang ng sibuyas? Joke. Hindi ko na sasabihin kung ano ang dahilan dahil una, kahit naman sabihin ko dito walang mangyayari; pangalawa, ayoko din talaga sabihin dito dahil masyadong private. Okay na yung ganito atleast nalalabas ko feelings ko. 

Ginagawa ko 'tong blog post na 'to ngayon habang umiiyak. Hagulgol to be exact. Kung consistent kayong nagbabasa sa blog ko, unang-una niyong mapapansin na tagalog ang blog post ko ngayon. Bakit? Gusto kong maramdaman niyo kung gaano ako kalungkot. Gusto kong maramdaman niyo ang nararamdaman ko ngayon. Para sa akin kasi, mas madrama talaga magbasa ng tagalog kesa english. Para sa akin ha. Ewan ko sa inyo. Gusto ko din magkunwari na may kausap ako ngayon sa harap ko at kayo yun na nagbabasa.

Ganito kasi ang nangyari. Tumawag si mama sa akin, nagkamustahan at kwentuhan, pagkatapos may sinabi siya na bigla akong naluha. Hindi siya nagalit, nagmura, or what ha. May nasabi lang siya na simpleng bagay na nakapagpaalala sa akin nung sobrang dinidibdib ko hanggang ngayon kaya umiyak ako at humagulgol. Tinanong niya ako kung bakit, sinabi ko. After ko sabihin, pati na din siya umiyak. Tapos ayan, yan na yung nasa taas. After 5 minutes tumigil na din ako umiyak dahil ayoko na din umiyak si mama. Nagpaalam ako sa phone saka ako humagulgol ulit.

Lahat tayo may mga pagkakamali sa buhay na hindi sinasadya. Yung pagkakamaling hindi mo alam kung bakit nangyari kasi lahat naman ginawa mo. Sa mga ganitong problema, isa lang makakatulong sayo. Si Lord. Siya lang ang pwede mong takbuhan kahit anong oras. Iintindihin ka Niya gaano man kabigat problema mo. Kaya after namin mag-usap ni mama, bigla nalang akong natumba sa sobrang panghihina ko. Nagdasal ako, nagpasalamat dahil kahit ganon hindi Niya pa din ako pinabayaan. Binigyan Niya ako ng magulang na mahal na mahal ako.

Tatapusin ko na pagdadrama ko kasi anong oras na. Pagod na din akong umiyak. Manonood nalang ulit ako ng cartoons para maging okay ulit ako. Kanina din pala nanood ako ng isang cartoon after maglupasay sa sahig. Ang title is "The Secret World of Arrietty".

Posted on my Tumblr account:


Arrietty (Bridgit Mendler), a tiny, but tenacious 14-year-old, lives with her parents (Will Arnett and Amy Poehler) in the recesses of a suburban garden home, unbeknownst to the homeowner and her housekeeper (Carol Burnett). Like all little people, Arrietty (AIR-ee-ett-ee) remains hidden from view, except during occasional covert ventures beyond the floorboards to "borrow" scrap supplies like sugar cubes from her human hosts. But when 12-year-old Shawn (David Henrie), a human boy who comes to stay in the home, discovers his mysterious housemate one evening, a secret friendship blossoms. If discovered, their relationship could drive Arrietty's family from the home and straight into danger. - (C) Disney

An enjoyable and attractive-looking film. I love Arriety's room, and all the BGM's! Another awesome film from Ghibli. :)

No comments:

Post a Comment