Eto nanaman ako, bibigyan nanaman kita ng kahihiyan. Sawa ka na ba? Ako kasi hindi pa. Ganyan kita kamahal. Lahat gagawin ko mapasaya ka lang. Kahit kahihiyan mo pa nakataya. Sweet diba? :”> Anyway, HAPPY BIRTHDAY PARE!!! Gusto kong mag-thank you kay Lord kasi binigyan niya ako ng MATABA, MABAIT, at THOUGHTFUL na KAIBIGAN. Masaya ako kasi sa tagal nating friends, wala akong maalala na nag-away tayo. Tama ba ako? Lagi man tayong nagmumurahan, nagsasampalan, nagkakasakitan, feeling pa din natin lambing yun. Sweet tayo sa isa’t isa e. :”> Masaya din ako kasi kahit hindi tayo laging nagkikita, walang nagbabago sa friendship natin. Kung magkita naman, walang nagbago, parang highschool days pa din. Sana maging happy ang birthday mo. Sabi nga nila, “Smile and enjoy while you still have intact teeth.” Love you pare! Enjoy your day! ♥
No comments:
Post a Comment